By Christian Dee

Humingi ng tawad sa ilang mga personalidad ang vlogger at content creator na si Zeinab Harake dahil nadawit ang mga ito sa isyu nila ni Wilbert Tolentino.

Kabilang sa mga nadamay sina Jelai Andres, Alex Gonzaga, Ivana Alawi, Robi Domingo, Sanya Lopez, Toni Fowler, Donnalyn Bartolome at iba pa.

Humihingi rin po ako ng tawad sa lahat ng zebbies ko na sobrang nadismaya sa akin. Tao lang din po ako at hindi perpekto. Nawa’y magkaroon po ng kapatawaran ang pagkakamali kong ito and I will try my best upang magbago, again galing sa puso ko I’m so sorry,” aniya.

I will move on and move forward from this dark chapter of my life. I will become better. Maraming salamat po,” dagdag pa ni Harake.

Matatandaang naging usapin sa social media ang alitan ni Harake at Tolentino matapos mag-trending ang “Ang Rebelasyon” video ni Tolentino na tila ine-expose nito ang co-vlogger.

(Photo from Zeinab Harake/Facebook)

Leave a Reply