By Margaret Padilla

Hindi mapigilan ng Korean actress na si Park Eun-bin, ang bida sa sikat na series na ‘Extraordinary Attorney Woo,’ ang pagiging emosyonal sa kaniyang unang Asian fan meeting tour noong Linggo sa Maynila, na nagpa-“touched” sa kaniyang isang Pilipinong tagahanga.

Tinatawag ng kaniyang mga tagahanga ang kanilang sarili na ‘Bingos’, at sa fan-meeting event, naghanda ang mga Filipino bingos ng isang maikling video para sa Korean actress.

Ibinahagi ni Kath o @kdramatreats, isang netizen, sa Twitter ang isang video clip na umiiyak si Park Eun-bin habang pinapanood ang fan-made na video.

Inamin ng fan na naantig siya sa reaksyon ni “Attorney Woo”. “Naiiyak ako. This is such a healing fan meeting between Eunbin and Bingos,” bulalas ni Kath.

Umiiyak si Park Eun Bin (naiiyak) habang sinasabing ‘salamat po,” dagdag ng netizen. “She was very touched with the love and energy she received.”

It’s heartwarming to see how hard she worked to learn our language for her fans in the Philippines! She knew quite a few Filipino words,” ang sabi pa ni Kath.

Gayundin, inawit ni Park Eun Bin ang kantang “Especially For You” sa fan meeting.

Ayon sa netizen, sinabi ng Korean celebrity sa kanyang fans na sa Binkan Manila lang niya ito kakantahin para sa Filipino Bingos.

Ang fan meeting tour ng aktres, na tinatawag na ‘Eun Bin Note: Bin Kan,’ ‘Eun Bin Note: Empty Space, “intends to fill the empty gap with love by seeing her fans.”

Ayon sa All Kpop, “Eun Bin Note” ay nangangahulugan din na gusto niyang maalala ang kanyang unang fan meeting kasama ang mga tagahanga at pahalagahan ito sa loob ng maraming taon, just like she records her own ideas on her work and characters on a “character note.”

Samantala, inilarawan ni Park Eun-bin ang kaniyang kauna-unahang fanmeeting trip sa Asya sa isang panayam sa Vogue magazine para sa isyu nito sa Nobyembre 2022.

I just finished a solo fan meeting and I’m about to go on an overseas fan meeting tour. It felt very lively to meet the fans face to face. But the energy of the people who look at me with eyes that love me made me very happy,” aniya.

Leave a Reply