Share:

By Frances Pio

––

Sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto noong Linggo na sumailalim siya sa knee treatement na maglilimita sa kanyang mga aktibidad sa mga susunod na araw.

Sa isang post sa Facebook, sinabi ni Sotto na sumailalim siya sa isang procedure na tinatawag na “platelet-rich plasma” (PRP) para sa kanyang magkabilang tuhod — mga injection na karaniwang ginagamit sa paggamot sa mga punit na litid, tendinitis, muscle injuries, arthritis-related pain, at joint injuries.

“Kaya bilin ng Doktor, bawasan ko muna ang paglalakad hanggang bukas (August 14-15, 2022),” sinabi ni Sotto.

“Kaya magpapaalam lang ako na limitado lang muna ang maaattendan kong events hanggang sa Martes,” dagdag pa niya.

Inihayag din niya na mayroon din siyang isa pang treatment na naka-iskedyul sa susunod na buwan upang mapabuti ang kanyang mga tuhod.

“Sa susunod na buwan, HA/lubricant naman (pang senior na talaga haha), tapos strengthening program,” ika niya.

Paliwanag ni Sotto, sa edad na 33, masakit na ang kanyang paglalakad dahil sa kanyang mga tuhod; nanunukso pa na sa kabila ng pagiging bata niya ay may tuhod na siyang pang senior citizen.

Leave a Reply