Share:

By Frances Pio

––

Bumuo ang Pamahalaang Lungsod ng Makati ng task force para subaybayan ang mga kaso ng monkeypox at maiwasan ang pagkalat nito sa lungsod, ayon kay Mayor Abby Binay.

“We formed a task force last August 3 to proactively prevent monkeypox transmission in Makati,” ayon kay Mayor Binay sa isang pahayag na inilabas noong Sabado.

Responsibilidad din ng task force ang pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa sakit para maiwasan ang “pagkalat ng fake news” sa mga mamamayan ng Makati, dagdag niya.

Sinabi rin ni Binay na ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ay nagsagawa ng virtual meetings sa 26 na barangay health clinics upang ipaalam sa kanila ang mga mode ng transmission, prevention, detection, isolation at treatment ng monkeypox noong Hunyo.

Sa ngayon, wala pang naitalang kaso ng monkeypox sa Makati. Sinabi ni Binay na sakaling magkaroon ng mga hinihinalang kaso, ire-refer sila ng CESU sa Research Institute for Tropical Medicine para sa tamang pagsusuri.

May plano ring gamitin ang isa sa mga gusali ng Makati Friendship Suites sa Barangay Cembo para ihiwalay at gamutin ang mga residente ng Makati na nagpositibo sa monkeypox.

Hinimok ni Binay ang mga residente ng Makati at mga non-resident employees na makipag-ugnayan sa CESU sa pamamagitan ng hotlines na (02) 8870-1445, (02) 8870-1446, 09270727794, 09280492927, at 09396756390 para i-report ang sinumang nagpapakita ng sintomas ng monkeypox.

Leave a Reply