By Christian Dee

MAYNILA – Ibinahagi ng Boholana beauty queen na si Pauline Amelinckx sa social media ang kanyang mga naging karanasan sa pangungutya sa kanyang katawan.

“A strong body with a stronger spirit,” saad ni Amelinckx sa kanyang Instagram post nitong Martes, Pebrero 21, kalakip ang kanyang swimwear photo.

Aniya, naging mahirap ang kanyang naging karanasan sa body-shaming.

“Getting thru bodyshaming was tough. in many ways it did affect my mental health and myself/body image,” saad ng naturang beauty queen.

“I tried to avoid the comment section everytime I would post (which is more tricky than you think) or even not want to post. But that would mean im giving in and letting external voices set my capacities and my worth,” dagdag pa niya.

Kuwento ni Amelinckx, nabasa niya kamakailan ito: “Avoidance feeds anxiety,” kaya nagbago na ang kanyang gawi.

Imbes na umiwas sa mga comment section, sinusubukan na raw niyang tanggapin ang katotohanang lahat ay magkakaroon ng sariling opinsyon.

“I now actively try to accept the fact that everyone will have their opinion (which they are entitled to!) but to also let my mindset and self-worth be stronger than others opinions,” saad niya.

“Self worth, self acceptance and self-love will always be a continuous process. But that commitment to yourself, that self-love, will allow you to evolve and transform into a stronger individual,” dagdag pa ng Boholana beauty queen.

“Let the voice in your head be the kindest,” pagtatapos ng kanyang Instagram post.

Matatandaang dalawang beses nang sumubok si Amelinckx sa Miss Universe Philippines (MUPh) para i-representa ang bansa sa international pageant na kaakibat nito ngunit nabigo siyang makuha ang korona ng MUPh.

Sa unang pagkakataon niyang sumali, nasungkit niya ang 3rd runner-up at pinangalanan bilang Ambassador for Tourism, habang si Rabiya Mateo naman ang itinanghal bilang Miss Universe Philippines 2020.

Sa ikalawang pagkakataon naman niyang sumabak sa MUPh noong 2022, nasungkit ni Amelinckx ang titulong Miss Universe Philippines Charity, habang ang nanalo naman ng korona ay si Celeste Cortesi.

Leave a Reply