By Christian Dee

MAYNILA – Muling nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Huwebes, Marso 16, na tuparin ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) ang mandato nito para sa maayos, mura, at matibay na pabahay sa bansa.

Ang panawagan ng pangulo ay kanyang inihayag sa groundbreaking ceremony ng proyektong 4PH (Pambansang Pabahay Para sa Pilipino) sa Naga City.

“Kaya naman muling tinatawagan ko ang DHSUD na tuparin ang kanilang mandato sa pamamagitan ng paglikha ng mga estratehiya at polisiya na magpapatatag ng maayos, mura, matibay na pabahay para sa mga Pilipino,” ani Marcos sa kanyang talumpati.

“Bagaman maganda ang ating simula sa pagsulong ng adhikaing ito, hinihikayat ko pa rin lahat kayo na lalo pang magsikap upang tuluyan na natin matugunan ang kakulangan ng pabahay dito sa ating bansa,” dagdag pa niya.

Abiso rin ni Marcos na tuklasin ang iba’t ibang paraan para sa pagtatayo ng sapat na mga pabahay sa bansa.

Aniya, pinag-aaralan na rin ng pamahalaan kung paano mapapalawak at ang pagpopondo nang sapat sa mga proyektong tiyak na mga pabahay.

Sinabi rin ni Marcos na mayroon nang tatlompu’t walong (38) memoranda of understanding at apat (4) na memoranda of agreement na nalagdaan ang DHSUD sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Leave a Reply