By Christian Dee

MAYNILA – Itinaas na ng Korte Suprema ang Bar admission fee. Mula sa dating P3,750, magiging P5,000 na ito.

Magiging epektibo ang pagtaas nito sa mangyayaring oathtaking at roll signing ng mga aplikanteng nagtagumpay sa 2022 Bar exam, batay sa isang notice na may petsang March 14.

“The Court Resolved, upon the recommendation of the Office of the Bar Confidant, to INCREASE, the Bar admission fee from Three Thousand Seven Hundred Fifty Pesos (P3,750.00) to Five Thousand Pesos (P5,000.00) to take effect upon the oathtaking and roll signing ceremonies for the successful 2022 Bar applicants,” saad sa notice.

Ayon sa Korte Suprema, ang pagtaas ay nararapat na masakop ang “imminent surge in the operation cost,” partikular ang bayarin sa venue na pagdarausan para sa oathtaking at roll signing ceremonies, at iba pang “logistical expenses.”

Bukod dito, kasama rin ang mga allowance ng mga “concerned personnel,” ayon sa Korte Suprema.

“This is also concomitant to the innovations that will be implemented in the said Court proceedings,” dagdag pa nito.

9,821 ang kabuuang bilang ng mga kumuha ng 2022 Bar exam sa labing-apat (14) na testing centers ngunit 9,000 lamang ang nakatapos ng apat na araw ng pagsusulit na ginanap noong Nobyembre.

Kasalukuyan pa ring inaabangan ang resulta nito.

Leave a Reply