By Margaret Padilla
Ang psychological horror movie na ‘Deleter,’ na pinagbibidahan ng nanalong best actress na si Nadine Lustre, ay nakatakdang ipalabas sa ibang bansa ngayong buwan pagkatapos manalo sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal.
Ang pelikula ay magbubukas sa Enero 6 sa US at magsisimula naman sa Enero 12 sa United Arab Emirates, ayon sa ulat.

Photo from Viva Films/FB
Gayundin, malapit nang mag-host ang Singapore ng pagpapalabas rin ng “Deleter.”
Pinangunahan ng ‘Deleter’ ang mga nanalo sa MMFF 2022 na humakot ng pitong awards, kabilang ang Best Picture, Best Actress para kay Nadine Lustre, Best Cinematography para kay Ian Guevarra, at Best Director para kay Mikhail Red.
“And we’re just really honored to have won all the prizes, the major prizes at the MMFF awards night. And now we are steadily growing at the box office. We are just very honored and grateful,” ang pahayag ni Red.
“We can’t wait to continue sharing this film with Filipinos and maybe, eventually, even an international audience.” ang dagdag ng director.
Ayon sa ABS CBN News, nanatiling mabenta ang pelikula sa takilya dahil sa tagumpay nito sa MMFF.
Dahil sa kasikatan nito, inamin ng direktor ng pelikula, si Mikhail Red, na maaaring may sequel na gagawin sa hinaharap, at binanggit niyang sinadya nilang iwanang open-ended ang kuwento.
“Sinadya namin na parang very open-ended. Without spoiling the ending, it poses the question sa audience. Sinadya namin ‘yun and we’ll see. We’ll talk to Viva,” ang sabi ni Red ayon sa PUSH.