By: Margaret Padilla 

––

Sinisi ng Philippine Department of Foreign Affairs (DFA) ang Chinese vessels sa pakikialam sa joint marine scientific research mission at energy exploration activities sa dalawang lokasyon sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa isang pahayag na inilabas noong Martes.

Ayon sa Reuters, naghain ang Pilipinas ng diplomatikong protesta laban sa bansang China para sa unilateral na pag-anunsyo ng pagbabawal sa pangingisda sa South China Sea, at gayundin ng mga reklamo tungkol sa harassment at paglabag sa hurisdiksyon nito ng coast guard ng Beijing.

Ang mga aksyon ng coast guard, ayon sa foreign affairs ministry, “not consistent with an innocent passage and are clear violations of Philippine maritime jurisdiction.”

Kinondena rin nito ang pagpapataw ng China ng moratorium sa pangingisda na naglalayong muling buuin at ibalik ang stock ng isda, isang annual ban na kinabibilangan ng mga tubig sa loob ng EEZ ng Vietnam at ng Pilipinas.

Itinaas ng protesta ang mga hamon na makakaharap sa paghahanap ng maayos na ugnayang pang-ekonomiya sa China habang tumatangging sumang-ayon sa harap ng inaakala ng militar na mga illegal provocations sa dagat ng Beijing.

Hindi nito ipinaliwanag kung bakit umabot nang mahigit isang buwan bago ito tumugon sa mga insidente.

Samantala, iginiit ni President-elect Ferdinand Marcos noong nakaraang linggo na poprotektahan niya ang sovereign territory at tutulan ang panghihimasok ng China.

Gayunpaman, ayon sa Reuters, naniniwala ang mga analyst na ang kanyang tagumpay sa halalan sa 2022 ay magiging mas kapaki-pakinabang sa Beijing kaysa sa Washington.

Kasunod ng pakikipag-usap kay Chinese President Xi Jinping, sinabi ng bagong pangulo na itataas niya ang ang bilateral ties ng Pilipinas sa nasabing bansa. (Photo: Reuters)

Leave a Reply