By: Margaret Padilla

Natapos na ang buwan ng Marso, pati na rin ang 2022 National Women’s Month Celebration (NWMC).

Bukod sa pagtuklas sa mga isyu at hamon na may kaugnayan sa empowerment ng mga kababaihan at gender equality, ang buwan ng kababaihan ay panahon para ipagdiwang ang kanilang mga achievements.

Ang pagiging ina, sa anumang anyo nito, ay isa sa pinakamagandang tagumpay ng kababaihan. Siyempre, walang nang mas espesyal kaysa sa pag-aalaga sa isang munting buhay na lumalaki sa loob ng kanilang mga katawan.

Narito, silipin natin kung anong latest na balita sa ilan sa mga Pinay celebrities na nakatakdang magsilang ngayong 2022.

Iya Villania – Kababalik lang ng team Arellano mula sa kanilang unang biyahe sa Boracay. Patok sa netizens ang mga litrato ni Iya na naka-two-piece swimwear na naka reveal ang kanyang baby bump. “Finally got to wear my swimsuit,” ang caption sa mga larawan, “but failed to get a matchy matchy pic with the boys. Mothering in matching outfits is difficult, ah.” Inaasahan ni Iya at ng asawang si Drew ang kanilang pang-apat na anak.

Angeline Quinto – Ginanap ang kanyang baby shower noong ika-23 ng Marso. Nag-viral rin sa social media ang mga larawan ni Angeline na kuha noong event.

Angelica Panganiban – Noong March 20, ibinalita niya sa Instagram ang tungkol sa kanyang pagbubuntis sa kanyang panganay. Ibinahagi ng aktres ang isang larawan ng ultrasound results pati na rin ang larawan niya kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend, ang negosyanteng si Gregg Homan, habang hawak ang kanyang baby bump. “Sa wakas. Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay, at pinakaimportanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na ina na po ako,” ang ilan sa mga nasabi niya sa kanyang post.

Jennylyn Mercado – Noong umpisa ng buwan, ibinunyag niya sa Instagram ang kasarian ng kanyang baby. Nakasuot siya ng maternity swimsuit sa larawan at buong pagmamalaki niyang nilagyan ng caption ang larawan ng: “30th week swimming with my girl!”

Bukod sa kanila, ang dating Miss International na si Winwyn Marquez, vlogger na si Kryz Uy, at ang aktres na si Dimples Romana ay kabilang rin sa iba pang mga celebrity moms na expectants sa 2022.

Leave a Reply