By Christian Dee
MAYNILA – Ipinroklama na ng Commission on Elections si Crispin “Ping” Remulla bilang bagong kinatawan ng ika-7 distrito ng Cavite nitong Linggo, Pebrero 26.
Naganap ang special elections noong Sabado at nakakuha si Remulla ng 98,474 na boto o 66.67 porsyento ng kabuuang bilang ng mga botanteng nakilahok sa pagboto.
Ito ang listahan ng mga nakuhang boto ng iba pang mga kandidato:
- Former Trece Martires mayor Melencio de Sagun Jr.: 46,530
- Jose Angelito Domingo Aguinaldo: 1,610
- Michael Angelo Bautista Santos: 1,068
Ang matagumpay na pagkapanalo ni Ping ay sumunod sa kanyang ama na si Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang representante na bumaba sa puwesto matapos Manalo noong Mayo 2022.
Itinalaga si Boying bilang Kalihim ng Department of Justice sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa Comelec, 149,581 o mahigit 42 porsyento lamang ang bilang ng mga bumoto sa naturang paghahalal dahil 355,184 ang kabuuang bilang ng mga botante sa nasabing distrito.
