By Christian Dee
MAYNILA – Ayon sa United States Geological Survey, isang lindol na may 6.2 magnitude ang tumama sa New Britain rehiyon sa Papua New Guinea ngayong Linggo, Pebrero 26 (Manila time).
Wala naman ding babala sa posibleng tsunami sa lugar ayon sa USGS.
Ang naitalang lalim ng pagyanig nitong umaga ay mayroong 38 kilometro, anang USGS, na naramdaman sa kapuluan ng rehiyon ng West New Britain.
47 kilometro naman mula sa kabisera ng probinsya, Kimbe, ang lindol ayon sa ulat at wala ring naitalang ulat na sugatan o malubhang pinsala dala ng pagyanig.
“No one really reacted, it shook, but no damage,” ani Vanessa Hughes sa Agence France-Presse.
Noong nakaraang Setyembre ng taong 2022, nakaranas din ang naturang bansa ng isang malakas na lindol na may 7.6 magnitude kung saan nagdulot ng pagkasawi ng buhay ng tatlong katao, mga sugatan, at pinsala sa mga imprastraktura.
