Share:

Nais ni Senadora Grace Poe na agad magsumite ang National Economic and Development Authority (NEDA) ng mga kinakailangang datos sa magiging epekto ng panukalang pag-amyenda sa Public Service Act (PSA) sa mga industriyang maaapektuhan tulad ng broadcasting at telecommunication, power generation, at transportation.

“Liberalizing certain sectors is going through a hurdle because of national security concerns that we have to balance with economic concerns,” sabi ni Poe.

“If you’re not going to make our argument strong enough by providing data, we might not be able to get what we want from here, which is the spirit of the law—liberalizing our economy,” dagdag pa nito.

Ayon kay Poe, bagama’t ang NEDA ang lead agency na nakatalaga sa PSA, may ilang punang kulang ang suporta ng ahensiya sa pagbuo ng panukala, partikular sa pananaliksik at datos.

Tinanong ng senadora ang ahensiya kung paano magbebenepisyo ang ekonomiya at lokal na sektor at industriya sa pagpasa ng panukalang ito.

“We will tackle the amendments by next week. If you’re really serious about having a successful version of the bill passed, I think that you should give us projections for telcos, airlines, and shipping, especially the foreign ownership limits in all countries,” sabi ni Poe.

Nauna nang sinertipikahan ng Pangulo bilang urgent ang agarang pagpasa ng panukala na magpapalakas sa economic recovery ng bansa sa gitna ng pandemya, isa na doon ang PSA.

Naunang nagpahiwatig si NEDA Sec. Karl Chua na dapat ipasa ang PSA na magbubunsod ng interes sa sektor ng telekomunikasyon at transportasyon, lalo na’t malaki ang agwat sa pagitan kung paano makakapagbigay at kung gaano kalaki ang aktuwal na pangangailangan ng bansa.

Hiniling din ni Poe sa NEDA na pangunahan at akuin ang responsibilidad sa pagtitiyak na maibibigay ng ahensiya ang kontribusyon nito para sa panukala upang maprotektahan ang interes ng publiko.

Leave a Reply