By: Margaret Padilla
Ayon kay Senador Grace Poe, anuman ang kalagayan ng bansa, nararapat pa ring tumanggap ng pinakamahusay na pangangalagang pangkalusugan ang mga kakababaihan at mga bata.
“May pandemya man o wala, ang gobyerno ay may tungkuling magbigay ng ligtas, at mataas na kalidad na pangangalaga sa mga buntis na ina at sanggol,” ang sabi niya sa isang pahayag.
Ito ang naging tugon ng senadora sa naging pahayag kamakailan ng Department of Health (DOH) na ang mga buntis na kababaihan ay nahaharap sa maraming hamon bilang resulta ng pandemya.
Dahil sa mga paghihigpit sa quarantine, malaki ang epekto ng paghahatid at paggamit ng mga serbisyo sa pangangalaga sa ina at bata tulad ng delivery and maternal care services.
“Ang pagpapabaya sa kanila ay ang pagkaligta sa kinabukasan ng ating bansa,” ang dagdag pa ni Poe. “The health crisis should serve as an insight to find ways to continue the delivery of services in the face of unforeseen circumstances. The right to health and nutrition of women and children must be pandemic-proof.”
Ayon pa kay Poe, sa pagbibigay ng kinakailangang tulong sa mga ina at kanilang anak, walang hamon ang hindi maaring malutas.
“No challenge should be insurmountable in providing mothers, especially the disadvantaged, the needed assistance and in giving every child a fair chance in life,” ang paliwanag pa niya.
Kabilang sa mga batas na binalagkas ng senador ay ang Republic Act No. 11037, na kilala rin bilang “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act,” na nagtatag ng mga programang pagpapakain sa mga estudyante sa pampublikong paaralan; at ang Republic Act No. 11148, na kilala rin bilang “Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act.”
