By Frances Pio
––
Tinanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang imbitasyon ng Gobyerno ng China na bumisita sa China, ibinunyag ng Palasyo nitong Biyernes.
Kinumpirma ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang press briefing ngunit sinabing wala pang petsa.
“There was an invitation but there is no date set as of yet,” ayon kay Cruz-Angeles.
“Yes he did,” idinagdag niya nang tanungin kung tinanggap ni Marcos ang imbitasyon.
Nauna nang nakipagpulong si Marcos kay Chinese Foreign Minister Wang Yi sa pagbisita sa Pilipinas.
Ayon kay Cruz-Angeles, binigyang diin ni Wang “the cooperation between China and the Philippines and that it transcends any maritime disputes.”
“He (Wang) reiterates that the friendship between the two sides has lasted for many years. So that’s the extent of what they have revealed to the public,” sinabi ni Cruz-Angeles.
Sinabi ng press secretary na sumang-ayon si Marcos kay Wang at idiniin ang kanyang layunin na “,bring the bilateral ties with China to a higher level.”
Sa Twitter, sinabi ni Marcos na ipinaabot ni Wang ang pagbati at suporta ni Chinese President Xi Jinping para sa kanyang administrasyon.
“We also discussed agriculture, infrastructure, energy, and our commitment to maintaining the strong relationship between our peoples in the coming years,” sinabi ni Marcos.