By Aj Lanzaderas Avila
Maaaring umabot sa P100 kada litro ang presyo ng mga produktong petrolyo ayon sa mga eksperto, matapos ang sunod-sunod na pagtataas ng mga kompanya ng langis sa nakalipas na mga araw.
Nitong araw ng Martes, nagtaas ng P4.30 kada litro ang presyo ng diesel at P2.15 kada litro ang presyo ng gasolina. Ang kerosene naman na kadalasang ginagamit ng karamihan ng mga Pilipino sa pagluluto ay tumaas ng P4.85 kada litro.
Ayon sa direktor ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau na si Rino Abad, malaki ang naging epekto ng pandemya o lockdown sa China at paglimita ng European Union sa mga produktong petrolyo galing Russia sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
“We will see if the restrictions will affect domestic fuel prices. Historically, their lockdowns cause a rollback in oil prices. Let’s see if there is a rollback next week,” sinabi ni Abad sa isang pakipanayam sa Inquirer.
Noong nakaraang linggo, ang presyo ng gasolina ay tumaas ng P2.70 kada litro, P6.55 sa diesel, at P2.45 naman sa kada litro ng kerosene.