Share:

By Frances Pio

––

Mahigit isandaang sasakyan ang ipinamigay sa mga barangay at security sectors sa pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong Linggo, Hunyo 12.

Pinangunahan ni City Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar ang turnover ng mga utility van sa 98 barangay ng lungsod na nakakuha ng tig-iisang unit.

Tatlong unit ng 4X2 pick up vehicles ang ibinigay din sa Zamboanga City Police Office, Task Force Zamboanga at sa Philippine Coast Guard Zamboanga Station sa simpleng seremonya sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Sinabi ng alkalde na ang pamamahagi ng mga sasakyan ay naaayon sa kanyang adbokasiya sa seguridad, kalusugan at edukasyon.

“Our commitment to the security sector is unending, as our forces continue to do their best to protect our city and its people from all forms of lawlessness,” sinabi ni Climaco.

Sa seremonya ng Araw ng Kalayaan, kinilala ng alkalde ang pagsisikap ng mga law enforcement units, volunteer groups, frontliners at force multipliers sa pagpapanatiling ligtas at secure ang lungsod.

Pinuri rin ng alkalde ang mga atletang Zamboangueño na nagbigay karangalan sa bansa sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam at iba pang pambansang kompetisyon.

Leave a Reply