By Frances Pio
––
Tataas ang presyo ng gasolina habang magpapatupad ng rollback sa LPG, diesel at kerosene ngayong linggo.
Sa magkakahiwalay na advisory nitong Lunes, ang mga sumusunod na lokal na kumpanya ng langis ay magpapatupad ng mga paggalaw sa presyo ng langis simula Martes, Agosto 2:
Shell (6 a.m.)
Gasoline: +P0.75 kada litro
Diesel: -P0.60 kada litro
Kerosene: -P0.75 kada litro
Petrogazz (6 a.m.)
Gasoline: +P0.75 kada litro
Diesel: -P0.60 kada litro
Cleanfuel (8:01 a.m.)
Gasoline: +P0.75 kada litro
Diesel: -P0.60 kada litro
Seaoil
Gasoline: +P0.75 kada litro
Diesel: -P0.60 kada litro
Kerosene: -P0.75 kada litro
Eastern EC Gas(12:01 a.m.)
Gasoline: +P0.75 kada litro
Diesel: -P0.75 kada litro
Mababawasan din ang presyo ng liquified petroleum gas (LPG) ngayong linggo.
Inanunsyo ng Petron Corp. na babawasan nito ang presyo ng LPG ng P2.05 kada kilo, habang ang mga presyo ng AutoLPG ay bababa ng P1.15 kada litro simula alas-12 ng umaga sa Martes. Magbabawas din ang Easter Petroleum sa presyo ng LPG nito ng P1.70 kada kilo o P18.70 kada 11 kilo.