Share:

Inaresto ang isang imbestigador na pulis sa Lungsod ng Zamboanga nitong Sabado dahil sa reklamo ng pangingikil sa pamilya ng mga suspek sa mga kasong kanyang hawak.

Ayon kay PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group Director Police Brigadier Fynn Dongbo, si Corporal Alexis Castillo Garcia ng Barangay Putik na nakadistino sa Police Station 11 ay nahuli sa joint operation ng Criminal Investigation and Detection Group(CIDG) at Zamboanga Police. Sinagawa ang operasyon dahil sa madaming reklamong natanggap ng PNP laban kay Garcia mula sa mga pamilya.

Robbery with extortion ang isasampang kaso kay Corporal Gracia dahil sa kanyang pangingikil kapalit ng pangakong ibabasura ang mga kaso o hindi maililipat sa Zamboanga City Jail ang mga suspek.

Leave a Reply