By Christian Dee
MAYNILA – Pasok na sa semifinals ng 2023 Premier Volleyball League ang Creamline Cool Smashers matapos ang laban nito ngayong araw kontra PLDT High Speed Hitters.
Nakuha ng Creamline ang tatlong set ng game laban sa kabilang koponan at nananatiling nangunguna na may kabuuang bilang ng panalo na 5 at isang talo.
Sa unang set, naunang nakapuntos ng 25 points ang Cool Smashers, habang ang High Speed Hitters naman ay nakakuha ng 20 points.
Nauna ring nakuha ng nanalong koponan ang 25 puntos sa ikalawang set pero apat (4) na puntos lamang ang inilamang nito sa natalong koponan.
Sa huling set, 8 puntos ang lamang ng Creamline Cool Smashers kontra sa PLDT High Speed Hitters, 25-17.
Kinilala naman bilang Player of the Game, ang middle spiker at dating Far Eastern University Lady Tamaraw na si Ced Domingo.
Nakatakda namang makaharap ng Creamline Cool Smashers ang Akari Chargers sa Marso 14 sa San Agustin Gymnasium sa Iloilo City.
