By: l Jude Sagun

Ikinabigla ng mga fans ang hiwalayan ng superstar athletes na sina Kiefer Ravena at Alyssa Valdez matapos lamang ang Southeast Asian Games na nilahukan ng dalawa sa Hanoi, Vietnam. 

Unang naiulat ang hiwalayan ng dalawa sa social media, kung saan agad namang nakiusap ang talent agency ng Volleyball star na iwasan ang paggawa ng mga pekeng kwento ukol sa naiulat na hiwalayan. “A lot of speculation has been made, we appreciate the concern, but this decision does not involve any other party.” Saad ng VMG Asia. 

Hiling din ng agency na respetuhin ang desisyon ni Valdez na gawing pribado ang usaping ito. 

Sinundan ito ng pag-retweet ni Valdez sa naturang statement kung saan saad niya, “Please avoid making up stories & spreading false rumors. Thank you for all the love.” 

Tumagal ng anim na taon ang relasyon nina Alyssa at Kiefer, kung kaya’t labis na ikinalungkot ng kanilang mga fans ang naiulat na hiwalayan.

Kabilang din sana si Alyssa sa Big 2 ng Pinoy Big Brother Kumunity Celebrity Edition ngunit umatras ito upang irepresenta ang Pilipinas sa SEA Games.

Matatandaang naging bukas siya sa pagpahayag ng relasyon sa basketball star na si Keifer habang nasa loob ng big brother house. 

Samantala, nabigo ang Philippine women’s volleyball team na kinabibilangan ni Valdez sa katatapos pa lamang na laro sa Vietnam. Habang inanusyo naman ni Ravena ang pagretiro sa SEA Games matapos na mabigo ang Gilas Pilipinas laban sa Indonesia. 

Leave a Reply