By Margaret Padilla
Nag-viral sa Twitter ang Running Man Korea event ng Pilipinas sa unang araw ng pagpapalabas ng mga ticket nito.
Ang #RunningManinMANILA ay isa sa pinaka-trending na paksa sa Twitter Philippines kahapon, March 5.
Nag-tweet ang PULP Live World ng: “We all have a fave Running Man mission! Are these examples part of your faves too? And don’t forget your own #RUNNINGMANinManila ticketing mission tomorrow at 12NN via @smtickets outlets and http://smtickets.com.”
Ayon sa GMA News, sina Jee Seok Jin, Yu Jae Seok, Kim Jong Kook, Ha Ha, Song Ji Hyo, Jeon So Min, at Yang Se Chan ay nananabik na makita ang kanilang mga tagahangang Pilipino sa “Running Man in Manila” event na idaraos sa darating na Abril 1 sa Mall of Asia Arena,
Samantala, dumalo ang mga cast ng Running Man PH na sina Angel Guardian, Kokoy de Santos, at Buboy Villar sa “Running Man Festival” event na ginanap para sa mga local fans noong Enero sa Paco Arena sa Manila.
Sa nakaraang December 2022 season finale ng Running Man PH, kinilala si Angel bilang unang Ultimate Runner.
