Share:

By: Aj Lanzaderas Avila

Muling magbabalik sa big screen ngayong 2023 ang binansagang Queen of Philippine Soap Opera na si Judy Ann Santos at Acoustic Heartthrob na si Sam Milby sa isang horror-drama thriller na pinamagatang “The Diary of Mrs. Winters.”

Mahigit isang dekada na ang nakakalipas mula nung magsama ang dalawa sa pelikulang “Huwag ka lang mawawala,” matatandaan namang noon pang 2019 ang huling proyekto ng dalawang aktor at ito rin ang kauna-unahang horror film na pagbibidahan ni Sam Milby.

Isa pang nagbabalik sa takilya ang horror genre box-office director na si Rahyan Carlos, isang primyadong direktor, scripwriter, at ang nagiisang Chubbuck Technique accredited teacher sa bansa.

(From the left: Direk Rahyan Carlos, Judy Ann Santos-Agoncillo, and Sam Milby)

Ang nasabing pelikula ay isinulat ng ‘National Artist for Film and Broadcast’ sa si Ricky Lee kasama si Rahyan Carlos. Ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na makakatrabaho ni Carlos si Judy Ann at nangakong tatayo ang balahibo ng mga taong makakapanood ng pelikulang ito.

Nakatakdang kunan ang pelikula sa Canada at sa Pilipinas katuwang ang AMP Studios Canada at Happy Karga Films.

“When I first started HappyKarga Films with my business partner, Joy Tarce, we knew that we would bank on talents and collaboration both from other film outfits and from the artists. And we couldn’t be more grateful to have found a like-minded individual such as Rechelle Everden of AMP Studios Canada who also believes in the cutting-edge Filipino talent in terms of bringing stories into the big screen,” ani Direk Rahyan.

(From the left: Sam Milby and Judy Ann Santos-Agoncillo)

Ang “The Diary of Mrs. Winters” ay tungkol sa isang Filipina bio-forensic assistant cleaner sa Canada na si Charity magiging umanong sumpa ang buhay ng karakter matapos niyang itago ang isang diary ng isang matandang babae na nagpakamatay. Sunod-sunod ang mga trahedyang mangyayari sa kanyang buhay, kasama na ang pagkamatay ng kanyang mga mahal sa buhay na magiging dahilan upang ipaglaban niya ang kanyang pagmamahal kay Victor, na gagampanan ni Sam Milby.

“To say that this is a dream project is an understatement. Not only because of the fact that I will be reuniting with Ricky Lee as this is our second collaboration, but also because we will be joined by Judy Ann and Sam. We are looking forward to work with both of them as we know that they are artists of world-class caliber. This is also the first full-length Filipino film to be shot amidst the panoramic Ontario, Canada,” ayon kay Direk Rahyan.

(From the left: Direk Rahyan Carlos, Chalen Lazerna, Joy Tarce, Rechelle Everden, and Pjay Gutierrez)

Nakatakdang ilabas ang pelikula sa third quarter ng taong 2023 sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Ang Happy Karga Films (HKF) ay itinatag noong 2021 ng primyadong acting coach-writer-director at isang batikang TV at film producer. Nilalayon ng HKF na magamit ang kanilang talento sa filmmaking upang makagawa ng mga kuwento at pelikula na tatak sa mga tao. Ang mga taong nasa likod ng Happy Karga Films at AMP Studios ay sina, Rahyan Carlos, Chalen Lazerna, Joy Tarce, Rechelle Everden, at Pjay Gutierrez. (Photo credits to Jojit Lorenzo Photography/PR Source: Manila Bulletin)

Leave a Reply