Pinahayag ni Sara Duterte-Carpio ang kanyang plano na tumakbo sa Halalan 2022 bilang Mayor uli ng Davao City. Tatakbo naman bilang vice mayor ang kanyang kapatid na si Sebastian Duterte.
“According to Mayor Sara, she will run for re-election as Davao City Mayor,” pahayag ng tagapagsalita ni Sara na si Christina Frasco. Matatandaang nagkaroon ng kasunduan si Mayor Sara sa kanyang tatay na isa lang sa kanila ang tatakbo para sa national position.
Nilinaw rin ni Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi kasama sa plano ang substitution pagdating sa Halalan. “I will not file my COC for President on Oct 8. And substitution is not an option, I cannot join a national political party because they are all my friends, I cannot pick one over the other. I want to remain wild and free,” pahayag ng alkalde.