By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Linggo, Enero 29, tumama ang magnitude 5.0 na lindol sa Sarangani, ayon sa iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Natagpuan na ang sentro ng lindol sa 05.65°N, 125.29°E – 021 km S 28° E ng bayan ng Glan sa naturang lalawigan na may lalim na 27 kilometro.

Naganap naman ang pagyanig sa lugar dakong alas-12:23 ng tanghali.

Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman din ang pagyanig sa mga sumusunod na naiulat na intensities:

  • Intensity III – Jose Abad Santos, and Sarangani, Davao Occidental; Glan, Sarangani; City of General Santos
  • Intensity II – Don Marcelino, and Malita, Davao Occidental; Alabel, Kiamba, and Malapatan, Sarangani; Polomolok, South Cotabato

Wala namang inaasahang pinsala ang nangyaring lindol ngunit inaasahan naman ang aftershocks, base sa impormasyon na inilabas ng ahensya.

Leave a Reply