By: Jen Lopez

Ani ng Vice Presidential candidate na si Senator Kiko Pangilinan hindi daw ito umano sangayon sa kahit sino mang ibang tumatakbong bise presidente na makapareha ni presidential candidate VP Leni Robredo sa kanyang kandidatura bilang presidente.

Ayon kay Kiko, hindi umano maganda ang magiging resulta nito kung sakaling manalo ang kanyang running mate.

”Gawin na rin pong Youth for Leni at Kiko sana. Baka mayroon pang isingit na iba,” ayon kay Senator Kiko Pangilinan sa kampanya nila sa Maasin City, Southern Leyte.

(The ‘Youth for Leni’ should also be ‘Youth for Leni and Kiko.’ Because somebody might sneak in.)

Dagdag pa nito, “Kailangang protektahan natin si Vice President Leni. Pag iba nanalo dyan, baka [may] planuhin at gumawa nang hindi maganda hindi ba?”

(We need to protect Vice President Leni. If another vice presidential candidate wins, that person could plan something sinister.)

May mga iba na ginagawang ipagpares si VP Leni Robredo sa ibang vice presidential ngayon kagaya nila Davao Mayor Sara Duterte at Senate President Vicente Sotto III.

Ganon pa man, ayon kay Robredo, tanging si Kiko lamang ang kanyang itatanghal na kasama sa pagtakbo niya nitong eleksyon sa pagkabise presidente at presidente ng bansa.

Leave a Reply