By: Jen Lopez

Nagbabala ang Globe Telecom tungkol sa mga scammer na nagsasamantala sa labanan ng Russia-Ukraine sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga pagphishing na nagpapanggap bilang mga initiatives of humanitarian aid.

Nitong Miyerkules sinabi ng Ayala-led telecom firm sa isang pahayag na ang publiko ay kailangang maging alerto sa mga ganitong klaseng scam. Kung saan laganap na rin sa silangang bahagi ng Europa ang ganitong klaseng pangiiscam.

“Kailangan nating lahat na mag-ingat sa mga email o nilalaman na susubukan na akitin tayo sa pagbabahagi ng ating impormasyon. Maaaring naglalaman ang mga ito ng mga paksa tulad ng mga panloloko na may usaping humanitarian aid at online na mga petisyon para sa Ukraine,” ayon kay Globe chief information security officer Anton Bonifacio.

(We all need to watch out for certain types of emails or content that will try to lure us into sharing our information. These may contain topics such as humanitarian aid-themed scams and online petitions for Ukraine,)

Base sa impormasyon ng Threat Analysis Group ng Google, sinabi ng Globe na ang mga insidente ng phishing ay pangunahin sa Ukraine at sa mga kaalyado nitong European. Habang ang mga ito ay maaring kumakalat na rin sa buong Asya.

Leave a Reply