By: Francis Pio

––

Ang Senatorial aspirant at dating senador na si Joseph Victor “JV” Ejercito nitong Lunes ay nagsabi na kung siya ay muling mahalal, sisiguraduhin niyang ganap na maipapatupad ang Universal Healthcare Law lalo na’t ang bansa ay patuloy na humaharap sa coronavirus pandemic.

Sinabi ni Ejercito, na may-akda ng Universal Healthcare Law, na ang ganap na pagpapatupad ng batas ay gagawing abot kamay sa mga mahihirap ang mahahalagang serbisyo at pasilidad na pangkalusugan.

“It’s a work in progress. It’s a 10-year program. Kailangan po ang budget mabantayan at ma-oversee natin ang implementation,” ayon kay Ejercito.

Dagdag pa rito, sinabi ni Ejercito na isusulong niya ang pagtatayo ng mga specialty hospital sa Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Leave a Reply