By: Francis Pio
––
Kasunod ng matagumpay na kamakailang BAR exams, umaasa ang Cebu City na muling magho-host ng mga pagsusulit sa hinaharap.
Sinabi ni Konsehal Joel Garganera nitong Lunes, Pebrero 7, na sa kabila ng mga hamon na dulot ng COVID-19 at ng Bagyong Odette, ang dalawang araw na BAR examinations sa lungsod ay naging matagumpay, na may maliit o walang aberya na naitala noong Pebrero 4 at Pebrero 6.
Umaasa rin si Garganera, pinuno ng Emergency Operations Center (EOC) ng lungsod na papayagan ng Korte Suprema na muling magdaos ng Bar Exams sa lungsod, at sinabing malaki ang pakinabang nito sa maraming naghahangad na abugado sa aspeto ng resources, financial at logistics.
“Dili gyud na lalim (ang bar exams). Dako kaayo na og deperensiya nga ngari ka mo take sa exam diha sa inyoha ug ngadto sa layo nga lugar,” ayon kay Garganera.
Nasa 1,200 BAR examiners ang kumuha ng eksaminasyon sa mga piling testing centers sa lungsod.
