By Christian Dee

MAYNILA – Ayon sa pulisya nitong Huwebes, Marso 16, inaresto ang 70-taong-gulang na lalaki sa bayan ng Pateros dahil sa diumanong mahigit P216,000 halaga ng marijuana.

Itinuring bilang “high value” drug pusher ang suspek na nakuhanan ng 1,800 gramo ng marijuana na kinilala bilang si Estelino Ramos Raymundo Sr., ayon sa Southern Police District.

Kasama sa mga nakumpiska mula sa inaresto ay ang isang mobile phone, P500 na nakapatong sa P5,000 na “boodle money.”

Inihahanda na, anang pulisya, ang reklamong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na ihahain laban kay Raymundo.

Kasalukuyan ring nakadetine na ang suspek sa SPD District Drug Enforcement Unit.

Leave a Reply