By Christian Dee

MAYNILA – Sinabi ni Commissioner Nelson Celis sa Diretsahang Pananaw Forum nitong Biyernes, Oktubre 21, na hindi hahadlangan ng Commission on Elections (COMELEC) ang Smartmatic at iba pang mga service provider sa election biddings.

We cannot hinder any service provider including Smartmatic,” ani Celis.

Hindi rin aniya hahadlangan ng COMELEC kahit sino ang nais lumahok sa nasabing bidding.

Personally, even the Comelec they will not hinder anybody who would like to participate in the bidding,” dagdag pa niya.

Ayon kay Celis, naghahanda na ang komisyon para sa  isang election summit sa susunod na taon, partikular sa Enero 25, 26, at 27, 2023, upang talakayin nag paghahanda sa susunod na national elections sa 2025.

Maraming mga nagsasabing huwag nang isama ang Smartmatic sa mga susunod na eleksyon dahilan ang mga reklamo sa patungkol sa sistema nito.

Matagal nang katuwang ng COMELEC ang nasabing provider. Nagsimula itong maging katuwang ng komisyon noong unang beses na naganap ang automated national election noong 2010.

Ani Celis naman, kung iyon ang panawagan ng publiko pagkatapos ng election summit, nararapat na magkaroon ng legal na hakbang at hayaan ang Korte Suprema na humawak nito.

Leave a Reply