By Christian Dee

MAYNILA – Ayon sa ulat ng ABS CBN News, ilang overseas Filipino workers (OFW) ang natuwa sa pagdating na sa Pilipinas ang pagpapagamit ng eArrival Card nitong Biyernes.

Dahilan nito ang pagpapapalit ng dating One Health Pass ng Bureau of Quarantine.

Para makakuha ng QR Code, mas kaunting impormasyon ang kakailanganing ilagay. Tila mas pinasimple ang pamamaraan.

“Mas accessible siya, mas madali syang gamitin, kesa sa One Health Pass na maraming requirements na hinihingi, ngayon mas madali na sa mga OFW na kagaya ko na pumila, papakita mo lang, scan lang nila, ganon lang kabilis,” sabi ng isang OFW na si Richard Regil.

Isa ring OFW mula sa Saudi Arabia ang natuwa, si Rhea Lauriano at sinabing, “Mas okay siya, at mas accessible po, tsaka mas madali siyang fill up-an.

Suportado naman ng Philippine Airlines (PAL) ang pagpapalit nito.

Sabi ng tagapagsalita ng PAL na si Cielo Villaluna, sinusuportahan nito ang inisiyatiba na naglalayong padaliin ang mga travel requirements para sa mga pasaherong parating sa bansa.

Ang Cebu Pacific naman ay nagpahayag na rin ng abiso para paalalahanan ang mga pasahero nito.

Cebu Pacific reminds it passengers travelling to the Philippines that the new electronic ARRIVAL CARD (‘eARRIVAL CARD’) has officially replaced the One Health Pass (OHP) as an entry requirement,” paalala ng Cebu Pacific.

Leave a Reply