Nakatakdang magsagawa ng isang kampanya ang Diabetasol Philippines na may temang “#TreatYourselfWell,” na naglalayong bigyang importansya ang pagpapanatili sa magandang kalidad ng pamumuhay ng mga indibidwal na mayroong Diabetes ngayong Nutrition month.

“Diabetasol understands that it may be overwhelming and difficult to manage, but the brand also believes that we can still appreciate and enjoy the good things in life while staying healthy by starting this journey to a sweet life,” ayon sa diabetes solution expert brand na Diabetasol.

Ang aktibidad na pinamagatang “Start up the Sweet Life,” ay dadaluhan ng mga miyembro ng PADE-ADNEP at Kalbe, mga espesyal na Keynote speakers, key opinion leaders, at influencers. Ayon sa Diabetasol Philippines, magkakaroon ng pagkakataon na makipagpalitan ng ideya, at makilahok sa mga kapanapanabik na aktibidad ang mga lalahok sa nasabing event na gaganapin sa Enderun Atrium sa lungsod ng Taguig.

Sinabi rin ng naturang brand na ang aktibidad na ito ay mapupuno ng kaalaman patungkol sa Health, Fitness, Nutrition, at Stress Management — na susi sa pagabot sa balanseng pamumuhay.

Magkakaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na komunsulta sa mga eksperto para sa kani-kanilang mga kondisyong pangkalusugan.