Share:

By Frances Pio

––

Halos 7,000 na ang kaso ng dengue sa Western Visayas. Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 674 na bagong kaso ng dengue mula Hulyo 10 hanggang 16, kaya umabot na sa 6,856 ang kabuuang bilang simula noong Enero 1.

Naitala sa Negros Occidental ang pinakamataas na bilang ng mga kaso ng dengue na may 2,445 at 11 ang nasawi. Nagtala rin ang lalawigan ng 230 na bagong kaso at isang pagkamatay mula Hulyo 10 hanggang 16.

Pumapangalawa ang Antique na may 1,731 at anim na namatay. Mula Hulyo 10 hanggang 16, mayroon itong 118 na bagong kaso at dalawang nasawi.

Pangatlo ang Bacolod City na may 398 kaso na may anim na namatay. 41 na bagong kaso at nasawi ang naitala sa lungsod mula Hulyo 10 hanggang 16.

Ang regional capital na Iloilo City ay mayroong 293 dengue cases na may 11 na namatay. Para sa Hulyo 10 hanggang 16, mayroon itong 48 na bagong kaso na may isang pagkamatay.

Ang Aklan ay mayroong 291 kaso at mula Hulyo 10 hanggang 16, 29 na bagong kaso at dalawang namatay. Ang Guimaras ay nagkaroon ng 100 kaso at 12 bagong kaso mula Hulyo 10 hanggang 16.

Nagdeklara na ng state of calamity ang Antique dahil sa dengue.

Inulit ng DOH-Region 6 sa mga local government units (LGUs) sa anim na probinsya at dalawang highly urbanized na lungsod sa Western Visayas na palakasin ang kanilang mga anti-dengue programs.

Leave a Reply