By Christian Dee

MAYNILA – Sumuko na sa mga awtoridad ang 39-taong-gulang na suspek sa pamamaril sa isang kilalang brodkaster na si Percival Mabasa, kilala rin bilang Percy Lapid.

Matatandaang pinagbabaril si Lapid sa loob ng kaniyang sasakyan matapos lapitan ito ng mga suspek na nakasakay sa motor sa Las Piñas.

Kinilala naman ang suspek bilang si Joel Salve Estorial ayon kay Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos sa isang press briefing.

Sinabi ng kalihim na sumuko ang salarin nang ilabas ng pulisya ang kuha ng CCTV na kung saan ay nakuhanan si Estorial, dahil sa takot nito para sa pansariling kaligtasan.

Siya ay sumurender out of fear for personal safety […] Dahil nga pagkatapos ilabas sa publiko ang kaniyang mukha,” ani Abalos.

Kaugnay nito ang pabuyang inialok nina Abalos, Alex Lopez, at ng House of Representatives na umabot sa P6.5 milyon para lamang makuha ang impormasyon patungkol sa suspek.

Sinabi rin ni Abalos na ang suspek ay gumawa na ng extrajudicial confession at itinuro na rin ang mga kasabwat sa pagpatay.

Napag-alaman din na ang mga tinuturo ni Estorial na kasamahan umano ay magkapatid na sina Edmon Dimaculangan at Israel Dimaculangan.

Panawagan naman ni Abalos na mas mabuting sumuko na rin ang dalawa pang suspek dahil sumuko na ang gunman dulot ng takot nito na malagay ang buhay sa alanganin.

Leave a Reply