By Christian Dee

MAYNILA – Papalapit na ang Undas 2022 at inaasahang tataas sa mga susunod na araw ang halaga ng mga bulaklak sa Dangwa Market sa Maynila.

Sa kadahilanang bibihira ang suplay ng bulaklak na nagmumula sa ibang bansa,  posibleng tumaas din ang presyo nito sa darating na Martes hanggang Oktubre 31 ayon sa mga nagtitinda.

Ani Nene Pamulaklakin, isang nagtitinda, madaragdagan ang presyo nito ng P20 o P30 kumporme sa dating ng mga bulaklak.

Ang kasalukuyang presyo ng Malaysian mums kada bundle nito ay aabot sa P150, samantala ang Carnation naman ay P220 kada stem. Mayroon ding Casablanca at Stargazer na parehong nagkakahalagang P150 kada stem at Sunflower na P120 ang presyo.

Ito ang mga presyo ng iba pang mga bulaklak sa kasalukuyan:

  • Red roses – P250 kada dosena
  • White roses – P250 kada dosena
  • Ecuadorian roses – P150 kada stem
  • Tulips – P90 kada stem

Leave a Reply