By Christian Dee
MAYNILA – Base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, Oktubre 23, umabot sa 10,984 sa hilagang bahagi ng Luzon ang naapektuhan ng bagyong Obet.
Sinabi ng NDRRMC sa kanilang situational report na lagpas sa 3,000 pamilya mula sa nasabing bahagi ng bansa ang naapektado. Kabilang dito ang rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR).
Nananatili namang baha ng ilang mga lugar sa Region 2 nitong Linggo. Samantala, kasalukuyang humuhupa na ang baha sa labintatlong lugar.
Mahigit 500 naman ang nailikas sa Region 2 at pansamantalang nasa evacuation center.
Nagpaabot naman ng tulong ang nasabing ahensya, karamihan ay mga pagkain, para sa mga lumikas.
Samantala, nakaalis naman na ang bagyo sa bansa at naging low pressure area patungo sa South China Sea.
