By Frances Pio
––
Dumagsa ang maraming tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang “Salamat, PRRD” Thanksgiving concert sa Quirino Grand Stand ngayong Linggo bilang pagpapasalamat sa huling anim na taon niyang panunugkulan.
Ayon sa Director ng event na si Njel De Mesa, ito ay sinagawa lamang upang pasalamatan ang volunteers at mga supporters ni Pres. Duterte, ngunit hindi nila inasahang dadalo ang presidente sa concert.
Matatandaan noong 2016 sa Quirino Grand Stand din isinagawa ang miting de avance ni ng pangulo noong siya pa ay isang kandidato.
Ang karamihan sa mga dumalo ay mga tagasuporta ng pangulo ay mula dito sa Metro Manila at ilang mga karatig na bayan.
Dumating ang mga tagasuporta upang magpasalamat sa mga naging accomplishments ng pangulo kabilang ang drug on war at pagsugpo sa krimen. Gayundin ang “Build, Build, Build” project at Manila Dolomite Beach.
Kabilang sa mga kakanta sa concert sina Freddie Aguilar, Florante, Martin Nievera, Jed Madela, Ice Seguerra, Andrew E., Robert Seña, Isay Alvarez, Dulce, at iba pa.