Share:

By: Margaret Padilla

Ipinahayag ng Department of Transportation na palihim na sumakay si DOTr Secretary Jaime Bautista bilang isang pasahero sa tren para mangalap ng mga ideya para sa ikauunlad ng Metro Rail Transit Line-3, na pagkatapos ay iniharap niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanilang unang pulong ng Gabinete.

Noong Lunes, Hulyo 4, nagtungo si kalihim Bautista sa tatlong istasyon ng MRT-3 bilang isang pasahero “in disguise” upang maranasan mismo ang araw-araw na pag-commute ng mga pasahero sa pinaka-abalang riles ng Metro Manila.

Ayon sa Philippine Star, nakausap umano ng transport secretary ang mga pasaherong bumabyahe mula GMA Kamuning Station hanggang Taft Avenue Station, na nagsabi umano sa kalihim na patuloy silang sumakay sa MRT kahit na hindi na ipagpatuloy ang libreng sakay.

Tinanggap nina Cesar Chavez, Undersecretary for Rails, at Ofelia Astrera, OIC-general manager ng MRT-3, ang nasabing mga obserbasyon at mungkahi.

Kabilang sa mga rekomendasyon ni Bautista ay ang pangangailangan para sa malinis na banyo na may maraming tubig; lahat ng pasahero ay dapat magkaroon ng access sa Consumer Welfare Desks; dagdag na X-ray machines; magagamit ang mga Emergency Medical Technician sa lahat ng istasyon, at mga pagpapahusay sa onboard announcements. 

Tinukoy din niya ang ilang mga needs for improvements, tulad ng pangangailangan para sa mga karagdagang platform para sa mga senior citizen, mga taong may kapansanan, at mga buntis na kababaihan, pati na rin ang isang buong ticket counter na pandagdag upang bawasan ang mga linya at mas i-promote ang mga stored value na ticket (Beep card) higit sa single journey tickets. (Photo: Phil. News Agency)

Leave a Reply