By Frances Pio
–
Labing-apat na regional wage boards ang naglabas na ng kani-kanilang wage order na nagbibigay ng dagdag sahod na nasa pagitan ng P30 at P110 ngayong buwan, kung saan ang pinakamaagang wage hike na P33 ay nagkabisa sa National Capital Region noong Sabado, Hunyo 4, sinabi ng Department of Labor noong nakaraang linggo.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III sa isang pahayag, ang 14 na regional wage boards ay naglabas na ng kani-kanilang wage order na nagbibigay ng dagdag sahod na nasa pagitan ng P30 at P110.
Dahil sa pagtaas sa NCR, ang minimum wage rate ay nasa P570 para sa mga manggagawa sa non-agriculture sector at P533 para sa mga nasa agriculture sector.
Samantala, nakatakda ring ipatupad ang P50 at P60 na pagtaas sa sahod sa Cordillera Administrative Region sa dalawang tranches sa Hunyo 14 at Enero 1, 2023, habang tumaas din ang suweldo ng mga kasambahay mula P500 hanggang P1,500, na nagdala ng bagong minimum na sahod ng mga kasambahay sa rehiyon sa P4,500.
Samantala sa rehiyon ng Caraga, ang bagong daily minimum wage rate na P350 ay magkakabisa sa Lungsod ng Butuan at mga lalawigan ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, at Surigao del Sur sa Hunyo 6; habang ang dagdag sahod sa mga lalawigan ng Dinagat Islands at Surigao del Norte, kabilang ang Siargao Islands ay ipatutupad sa dalawang tranches–isa sa Hunyo 6 at isa pa sa Setyembre 1.
Ang natitirang mga rehiyon na nakatakdang tumanggap ng dagdag sahod ay ang mga sumusunod:
–Ilocos Region – P60 and P90 in two tranches starting June 8, domestic workers’ minimum wage increased to P5,000.
–Cagayan Valley – Minimum wage rate increased to P400 to P420 in two to three tranches starting June 6, domestic workers’ minimum wage increased to P5,000
–Central Luzon – P40 wage hike in two tranches in June
–Calabarzon – Minimum wage rate increased to P390 to P470 in non-agriculture; P350 to P429 in agriculture; P350 in retail and service establishments with no more than 10 workers.
–Mimaropa – P35 wage hike starting June 10; domestic workers’ minimum wage now at P4,500
–Bicol – P55 wage hike in two tranches, June 18 and December 1; domestic workers’ minimum wage now at P4,000
–Western Visayas – Minimum wage rate now at P410 to P450 starting June 5; domestic workers’ minimum wage now at P4,000
–Central Visayas – Minimum wage rate now at P382 to P435 starting June 14; domestic workers’ minimum wage now at P5,500 in chartered cities, first-class municipalities, P4,500 in others
–Central Mindanao – P25 and P22 wage hike on June 18, December 16
–Davao Region – P47 wage hike starting June 19; domestic workers’ minimum wage at P4,500
–Soccsksargen – P32 wage hike in two tranches on June 9 and September 1