By: Jen Lopez

Ang pagkakaroon ng mataas na rango sa survey ay hindi dahilan upang maging kampante ang Uniteam tandem na sina Bongbong Marcos at Davao city Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa halip ang vice president candidate Sara Duterte (Lakas-CMD Media) ay nagsabing ang Uniteam ay nangangamba sa natitirang halos isang buwan bago mag eleksyon sa ika-9 ng Mayo.

“Wala po yan dahil we are always running scared,” ayon kay Duterte sa isang ambush interview sa Uniteam event kasama si former presidrnt Gloria Macapagal Arroyo.

Nang tanungin ang Uniteam tandem kung kumpyansa sila sa magiging resulta sa eleksyon sa kabila ng sunod-sunod na pangunguna sa mga survery, ani niya.

“Yan dapat ang mindset namin dahil walang kasiguraduhan ang pagkapanalo until ma-proclaim ka po.”

Ayon sa Pulse Asia survery noong ika-18 hanggang 23 ng Pebrero ang mga pilipinong botante na sumasangayon sa pagkabise-president ni Sara Duterte ay umaabot ng 53 percent at 60 percent sa pagkapresidente ni Marcos.

Kung patuloy na aabot ng ganitong porsyento ang kanilang survey, maaring maging isa itong kasaysayan kung saan sila ang pinili ng nakararami.

Leave a Reply