By Frances Pio

––

Binuksan ng University of the Philippines (UP) nitong Biyernes ang aplikasyon ng mga first-year students para sa Academic Year 2023-2024.

Sa isang Facebook post mula sa UPCAT – U.P. system, inihayag ang opisyal na pagsisimula ng proseso ng aplikasyon.

Gayunpaman, kung wala ang kinasanayan na traditional paper-and-pen exam, gagamitin ng unibersidad ang UP College Admissions (UPCA), isang admission score model, upang masuri ang mga aplikanteng estudyante.

Maliban sa ilang partikular na rehiyon, dapat kumpletuhin at isumite ng lahat ng mga aplikante ang kanilang mga UPCA form, na kinabibilangan ng mga personal data sheet at mga high school record, gamit ang online admissions site ng unibersidad, kasama ang mga larawan at electronic signature.

Ang deadline para sa pagsusumite ng mga kinakailangan ay sa Oktubre 15, 2022.

Ilulunsad din ng unibersidad ang online helpdesk nito simula sa Lunes, Setyembre 19, sa pamamagitan ng UPCAT – U.P. System sa Facebook page.

Bukas ang online helpdesk mula Lunes hanggang Sabado, 9 a.m. hanggang 9 p.m.

Maaaring suriin ng mga aplikante ang iba pang mga detalye tungkol sa aplikasyon ng freshman sa online admissions website ng unibersidad https://upadmissionsonline.up.edu.ph/

Leave a Reply