By: Frances Pio

Dahil sa paghina ng piso sa pandaigdigang merkado, at sa pagtaas ng local and foreign borrowings ng gobyerno noong nakaraang buwan, umakyat ang utang ng bansa sa P12.09 Trillion sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero.

Ang pinakahuling datos ng Bureau of the Treasury (BTr) noong Huwebes, Marso 31, ay nagpakita na ang mga natitirang obligasyon ay tumaas ng 0.5 porsyento mula sa P12.03 trilyon noong Enero. Ang utang sa pagtatapos ng Pebrero ay 16.2-porsiyento na mas malaki kaysa sa P10.41 trilyon na naitala noong 2021.

Upang mabayaran ang mga utang na nakatambak sa gitna ng matagal na pandemya ng COVID-19, ang economic team ng administrasyong Duterte ay maghahain ng isang fiscal consolidation plan sa susunod na Pangulo. Ang fiscal consolidation ay upang paliitin ang deficit sa budget sa pre-pandemic level na humigit-kumulang 3 porsyento ng GDP na maaaring samahan ng mga bago o mas mataas na buwis, mga pagbawas sa non-priority expenditure ite

Leave a Reply