By Christian Dee

MAYNILA – Isang van ang naaksidente sa Marcos Highway nang sumalpok ito sa isang concrete barrier nitong Biyernes ng madaling araw, Pebrero 10.

Ayon sa TeleRadyo, kinuwento ni Jefferson Espiritu, drayber ng van, na may nakagitgitan itong isang trak habang nagmamaneho sa fast lane sa kahabaan ng naturang highway.

Hindi nakita ng drayber ng van ang isang concrete barrier at tumama ang van dito.

Natanggal ang gulong sa harapan ng minamaneho niyang van at tumagilid ito.

Hindi naman nagalusan si Espiritu matapos ang insidente at hindi na rin siya kinailangang itakbo sa ospital.

Agad ding rumesponde ang Santolan Emergency Response Team sa nangyaring aksidente lugar.

Sinabi rin ng isang nakakita na marami na ring naaksidente sa lugar kung saan matatagpuan ang mga concrete barrier.

“Marami na pong nabangga diyan, ang katwiran kasi diyan, hindi po kasi kita ‘yung concrete barrier sa gitna,” anang lalaking nakapanayam ng TeleRadyo.

“Madilim po masyado,” dagdag pa niya.

Leave a Reply