By Christian Dee
MAYNILA – Ipinagdiriwang ngayong Lunes, Enero 30, nina Vic Sotto at Pauleen Luna ang ika-7 anibersaryo ng kanilang kasal.
Sa pamamagitan ng isang Instagram post, binati ni Pauleen ang kanyang asawa kasama ang larawan nilang dalawa.
“Today, i celebrate US! Happy 7th wedding anniversary my love, i am full of gratitude everyday because God couldn’t have chosen a better partner for me,” saad ni Luna sa kanyang pagbati kay Sotto.
“Thank you for making the past 7 years happy, easy and full of meaning. I love you babe! Forever,” dagdag pa niya.
Matatandaang ikinasal ang dalawang TV hosts sa St. James The Great Parish Church sa Alabang noong Enero 30, 2016.
Matapos ang isang taong pagkakakasal, nagkaroon ang mag-asawa ng isang anak, Tali, na ngayon ay 5-taong gulang na.