Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Proud na proud ang tinaguriang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa kanyang pagiging lola kay Isabella Rose, anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Santos ang larawan ng kanyang apo nang may kasamang maikling caption.

Photo source: Vilma Santos/Instagram

“Welcome to the world baby Rosie! Momsie Vi loves you so much. Proud of you!!! Sooooo adorable,” saad ng award-winning actress sa kanyang post.

“God bless you always my baby Peanut. I love you!” dagdag pa ng in ani Manzano.

Matatandaang ibinahagi na rin ng mag-asawang Luis at Jessy ang mukha ng kanilang anak kamakailan lamang, na talaga naman kinaantigan ng puso ng mga malalapit na kaibigan at mga netizens.

Ipinanganak si Rosie noong Disyembre, mahigit isang taon matapos ang kasal ng dalawa.

Leave a Reply