By: Francis Pio
Walang lockdown sa Cebu City sa pagtaas ng Alert Status nito sa Level 3 simula Enero 14 hanggang Enero 31, 2022.
Sinabi ni Mayor Michael Rama na hindi nakita ng lungsod ang pangangailangan para sa karagdagang mga paghihigpit maliban sa mga nakasaad sa Interagency Task Force (IATF) guidelines para sa Alert Level 3 na mga lugar.
Sa halip, pinalalakas ng pamahalaang lungsod ang isolation facilities, temporary treatment and monitoring facilities (TTMFs), mga ospital tulad ng Cebu City Medical Center (CCMC), at higit sa lahat, ang vaccination drive.
