By: Frances Pio

Pinaigting ng mga awtoridad ang mga operasyong panseguridad sa Zamboanga at naglagay ng hindi bababa sa 40 mobile checkpoints sa iba’t ibang lugar araw-araw upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga pribadong armadong grupo sa lungsod.

Ang hakbang ay isinagawa sa sandaling nagkabisa ang elections gun ban noong Linggo, Enero 9.

Sinabi ni Elections officer Stephen Roy Cañete na muling binuo ang Joint Security Control Center ng lungsod upang matiyak ang coordinated security efforts ng iba’t ibang law enforcement groups batay sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10741.

Leave a Reply