Share:

Nakaraang buwan lumipad papuntang Siargao Island si Yassi Pressman upang magbakasyon. Binisita rin ni Yassi si Andi Eigenmann na nakatira na sa isla kasama ang kanyang tatlong anak at ang fiancé nitong si Philmar Alipayo.

Unang nagsama sa isang proyekto ang dalawa noong 2016 sa pelikulang Camp Sawi. Simula noon ay naging magkaibigan na ang dalawa.

Makikita sa Instagram ni Yassi na kasama niya si Andi at mga anak nito sa isang litrato. “I love when you see some of your real friends and years go by but everything just feels like yesterday ~ Don’t we look like we’re all sisters lang?? LOL. Wuvyu & your beautiful fam @andieigengirl,” sabi ni Yassi sa caption.

Leave a Reply