By: Frances Pio

–

Ang COVID-19 risk level sa Zambales ay ibinaba sa “very low risk” dahil sa mas kaunting tao na nahawaan ng virus, ayon sa OCTA Research.

Sa datos na inilabas nitong Miyerkules, sinabi ng OCTA na kabilang ang Zambales sa apat na probinsya sa Central Luzon na may ganoong status. Ang iba ay Aurora, Bulacan, at Pampanga.

Base sa mga record mula sa Department of Health, sinabi ng OCTA na ang Zambales ay may negative 58-percent na rate ng paglago ng virus noong nakaraang linggo.

Ang average daily attack rate (ADAR) ng lalawigan ay .36, na itinuturing na napakababa. Ang ADAR ay tumutukoy sa pitong araw na average na bilang ng mga bagong impeksyon sa bawat 100,000 tao.

Leave a Reply